-- Advertisements --

Pinatahimik ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chair Panfilo “Ping” Lacson noong Lunes ang mga skeptiko at umano’y “hijackers” na sinasamantala ang galit ng publiko sa multi-billion peso flood control corruption scandal.

Binanggit ng senador na ang pagtawag sa komite bilang “walang silbi” ay insulto hindi lamang sa miyembro ng panel kundi sa mga Pilipinong nakasubaybay at lumahok sa mga hearings at sa “trillion peso march,” kabilang ang mga estudyante, clergy, ordinaryong manggagawa, at concerned citizens.

Kasama sa hearing ang ilang indibidwal na tinutukoy sa imbestigasyon, kabilang si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na inaakusahan ng pagbibigay ng maling coordinates sa mga flood control projects.

Tatalakayin din ang kontrobersyal na “Cabral Files,” na diumano’y naglalaman ng detalye ng mga proyekto at taong nagtaguyod ng mga ito sa National Expenditure Programs na ginamit sa pambansang budget ng mga nakaraang taon.