-- Advertisements --

Inihahanda na ng Department of Justice ang mga dokumento para sa International Criminal Police Organization (interpol) notice request laban kay Atty. Harry Roque.

Sinabi ni DOJ spokesperson and Assistant Secretary Mico Clavano, na nagkaroon na silang mga konsultasyon sa international law experts ng DOJ at maraming mga options na pagpipilian.

Maari rin silang humingi ng tulong sa ibang mga diplomatic channels.

Dagdag pa nito, nasa proseso na sila ng pagpili ng mga pinakamagandang hakbang.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng maglabas ng warrant of arrest ang korte sa Pampanga laban kay Roque , Cassandra Li Ong ang representative ng Lucky South 99 at 48 iba pa dahil sa kasong qualified human trafficking na may kaugnayan sa scam hub sa Porac, Pampanga.

Si Roque ay nasa the Netherlands kung saan nag-aaply na ito ng asylum.