Inulat ng Department of Public Works and Highways na posible pang itaas ang load limits para sa San Juanico Bridge sa mga susunod na buwan.
Ginawa ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang pahayag kasunod ng isasagawang rehabilitasyon ng naturang tulay.
Ayon sa kalihim, ang kasalukuyang tatlong tonelada na load limits sa San Juanico Bridge ay temporaryo lamang.
Aniya, batay sa kanilang projection ay maaaring maitaas na ang load limits sa huling bahagi ng kasalukuyang taon.
Nilinaw naman ng ahensya na karamihan sa mga sasakyan ay pinapayagan na makadaan sa tulay maliban lamang sa mga mabibigat na sasakyan katulad ng mag cargo trucks.
Patuloy rin aniya ang DPWH sa paghahanap ng mga alternatibong ruta bilang konsiderasyon ekonomiya sa kanilang ng pagpapatuloy ng pagsasaayos ng tulay.
Naniniwala ang kalihim na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkakaroon ng epekto ng inflation sa mga lugar na apektado.