Lovato Demi
Demi Lovato/ IG post

Nakatakdang maglabas ng bagong album ang singer na si Demi Lovato.

Ito ang unang paglabas niya ng album mula ng ma-rehab dahil sa drug overdose noong Hulyo 2018.

Ayon rin sa kampo ng singer na magsasagawa rin ito ng mga iba’t-ibang concert tour sa U.S.

Bago nito ay napili ang singer na magtanghal sa Grammays sa Enero 26 at kakanta rin ng National Anthem sa Super Bowl LIV sa buwan ng Pebrero.