-- Advertisements --
Kinumpirma ni ML partylist first nominee at dating Senador Leila De Lima na nakatanggap siya ng offer para maging bahagi ng prosekusyon ukol sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay De Lima, si House Speaker Martin Romualdez ang tumawag sa kaniya para sa nasabing offer.
Inamin din ng dating Justice secretary na agad niyang tinanggap ang mungkahi ng lider ng Kamara.
Nabatid na nabawasan ang panel members ng House prosecution, makaraang hindi pinalad ang ilan sa kanila na manalo sa nakaraang halalan.
Inaasahang masisimulan ang paggulong ng impeachment case sa pagpasok pa ng 20th Congress.
Wala pa namang inilalabas na reaksyon hinggil dito ang panig ng Pangalawang Pangulo.