Itinanggi ng National Police Commission (Napolcom) ang akusasyn na pinag-iinitan ng Philippine National Police (PNP) si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte.
Ang nasabing usapin ay lumabas matapos na tanggalin ng PNP ang dalawang nakatalagang pulis na nagsisilbing security escort ng mambabatas.
Sinabi ni NAPOLCOM vice chairman Rafael Vicente Calinisan, na nanatiling apolitical pa rin ang kanilang ahensiya.
Giit nito na hindi kailanman sila sangkot sa anumang pamumulitika kung san mananatiling nakabantay ang NAPOLCOM sa PNP.
Una ng sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil na dapat matanggal na sa serbisyo sina police Executive M/Sgt. Rexter Millano at S/Sgt. Leonard Pamat dahil sa pagiging bodyguard ng mambabatas ng hindi nila inootorisa.
Dagdag naman ni Calinisan na ang anumang desisyon ni Marbil ay dapat na i-endorso sa NAPOLCOM.