-- Advertisements --

Ganap nang naiproklama si Rolan Kerwin Espinosa bilang bagong halal na mayor ng Albuera, Leyte.

Batay sa opisyal na anunsyo ng kaniyang kampo, kinilala na ng Comelec ang kaniyang pagkakapanalo.

Kasabay rin ng kanyang proklamasyon ay ang pagkakahalal kay Mariel RR Espinosa bilang bise alkalde ng nasabing bayan.

Isinagawa ang proklamasyon sa presensya ng mga kinatawan ng Commission on Elections (COMELEC) at mga lokal na opisyal ng Albuera, matapos makumpleto ang transmission ng election returns mula sa lahat ng presinto.

Matatandaang nabaril si Kerwin sa panahon ng kampanya.

Inaresto naman ang ilang suspek ngunit hindi pa tukoy ang utak ng pamamaril.