-- Advertisements --

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang mga Filipino registered voters na maging wais kung buboto piliin ang mga kandidatong may kakahayan at malasakit.

Ginawa ng Pangulo ang kaniyang pahayag ngayong bisperas ng May 12, 2025 midterm elections.

Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga Pilipino na gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang responsable at protektahan ang integridad ng demokratikong proseso ng bansa.

Sa kaniyang video message, na pinost sa kaniyang social media account binigyang-diin ng Pangulo ng Pangulo na ang halalan ay kapwa karapatan at tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino at pagkakataon para marinig ang bawat boses at para sa mga mithiin para sa isang mas mabuting bansa.

Ipinahayag ng Pangulo na magkaiba man ang pananaw at opinyon sa pulitika ay bahagi ito ng demokrasya.

Ibat iba man ang paniniwala at pagkakaiba ng opinyon hindi dapat mauwi ito sa kaguluhan at pananakot.

Umapela din ang Pangulo ng pagkakaisa upang matiyak ang ordely at peaceful election.

Tinatayang nasa 70 million registered voters ang inaasahang buboto bukas.

Hiling ng pangulo sa lahat na magtulungan upang mapanatili ang maayos at mapayapa at makatarungang halalan.