-- Advertisements --

Kinumpirma ng Japanese Foreign Ministry ang hakbang ng China na pagpapatayo ng bagong istruktura sa may East China Sea na nasa Chinese side ng median line ng dalawang bansa.

Pinaniniwalaang ang naturang istruktura ay konektado sa resource development sa lugar.

Kaugnay nito, nagpadala si Masaaki Kanai, director-general ng Ministry’s Asian and Oceanian Affairs Bureau ng isang written protest kay Chinese Embassy official Shi Yong.

Dito, inihayag ng Japanese official na ang unilateral development efforts bago pa man ihiwalay ang exclusive economic zones ng dalawang bansa ay lubhang nakakalungkot.

Una na kasing nagkasundo ang Japan at China na magkasamang i-develop ang resources sa East China Sea subalit natigil ang paguusap sa implementasyon ng naturang kasunduan.

Subalit ipinagpatuloy pa rin ng China ang development efforts nito at sa kasalukuyan, umaabot na sa 18 istruktura ang kumpirmadong ipinatayo nito.