Tinawag ng Taiwan na hypocritical at tunay na banta sa seguridad ang China kasunod ng naging pahayag ng top diplomat ng Beijing sa Munich Security Conference.
Ito ang naging resbak ni Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung sa speech ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, kung saan inakusahan ng huli ang ibang bansa na sumusubok umanong to split Taiwan from China.
Mariing pinabulaanan ni Lin ang pahayag ni Wang na itinataguyod ng Beijing ang kapayapaan sa ilalim ng U.N. Charter principles.
Dagdag pa ng opisyal, ang aksyon ng China ay nagpapakita ng isang hegemonic mindset na hindi tugma sa kanilang mga salita.
Iginiit din ng Taiwan na base sa kasaysayan at international law, ang soberanya ng isla ay hindi kailanman napasailalim sa People’s Republic of China.
Kung maaalala, nagsagawa ng mass war games ang Chinese military malapit sa Taiwan noong nakaraang Disyembre, habang patuloy naman ang daily operations ng kanilang pwersa sa paligid ng isla.
















