-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police na aabot sa mahigit 3000 na mga pulis ang magsisilbing stand-by poll workers o special electoral boards araw ng halalan sa Lunes, Mayo 12.

Sa isang panayam ay sinabi ni Director for Police Community Relations Police Maj. Gen. Roderick Augustus Alba, pinaghahandaan na nila ang deployment ng nasabing bilang ng mga pulis.

Ito ay kung kakailanganin ng Commission of Elections ang kanilang tulong sa mismong araw ng halalan.

Maaaring hingin ang kanilang tulong sa mga lugar na hindi maabot ng mga teacher at iba pang poll workers.

Ayon naman kay PNP Public Information Office chief Police Col. Randulf Tuaño , hindi bababa sa 37 election hotspots ang natukoy ng PNP kung saan pinakamarami dito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa kabila nito ay tiniyak ng Pambansang Pulisya na nakahanda na ang lahat ng kanilang hanay para sa pagbabantay ngayong eleksyon.