-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa paggamit ng “tuklaw” o itim na sigarilyo na nagdudulot ng pag-seizure ng isang tao.

Sinabi ni PNP chief General Nicolas Torre II, na kanilang ipinasuri na sa PNP Crime Laboratory kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) , Dangerous Drug Board at police Drug Enforcement Group.

Dagdag ni Torre na mayroong rason para maideklara na ito ay iligal dahil sa delikado ito a nagdudulot ng disgrasya.

Mayroon na silang naaresto ng ilang mga indibidwal at kanilang inaalam ang mga pinagmulan ng mga ito.