-- Advertisements --

Pinapawalang bisa ngayon ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang mga naging pagbabago sa mga key officials ng Philippine National Police (PNP) matapos ang naging malawakang balasahan sa loob ng organisasyon.

Ayon sa inilabas na resolusyon ng NAPOLCOM na Resolution 2025-0531, iniuutos ng komisyon na ibalik bilang Deputy Chief for Administration si PLtGen. Jose Melencio Nartatez habang si PLtGen. Bernard Banac naman ay inatasang ibalik bilang Commander ng Area Police Command (APC) Western Mindanao.

Maliban dito ay inatasan din ng komisyon ang Pambansang Pulisya na agad na maglabas ng kautusan sa mga sumusunod na opisyal at sa mga panibagong pwesto nito:

  • Police Major General Robert Alexander Morico II – mula APC Visayas Commander bilang bagong NCPRO Regional Director
  • Police Major General Anthony Aberin – mula NCPRO Regional Director bilang bagong CIDG Director
  • Police Brigadier General Christopher Abrahano – mula CIDG Acting Director ay itatalaga bilang Officer-in-Charge ng APC Visayas
  • Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas – mula sa pagiging Deputy Regional Director for Administration of NCRPO ay itatalaga bilang Regional Director of PRO4-A
  • Police Brigadier General Jack Wanky – na mula sa Regional Director of PRO4-A ay gagawing bagong Deputy Regional Director for Administration of NCRPO
  • Police Brigadier General Romeo Macapaz – mula sa pagiging Regional Director, PRO 12 ay ilalagay naman sa Personnel Holding and Accounting Unit
  • Police Brigadier General Arnold Ardiente – mula Ex-O, APC Visayas ay siya namang illagay bilang Regional Director, PRO 12
  • Police Brigadier General William Segun – mula sa pagiging Director ng Highway Patrol Group ay ililipat din sa Personnel Holding and Accounting Unit
  • Police Colonel Hansel Marantan – habang mula naman sa pagiging Acting Chief ng Peace Process And Development Center ng OCPNP ay itatalaga naman bilang Director ng Highway Patrol Group
  • Police Colonel Jonathan Abella – na nanggaling sa Personnel Holding and Accounting Unit ay gagawin namang Acting Director ng EOD K9
  • Police Colonel Arnold Rosero – habang mula naman sa pagiging Acting Director ng EOD K9 ay ililipat naman bilang Deputy Director for Administration ngEOD K9.

Nakasaad din sa resolusyon na ang mga utos na ito ay ayon sa Section 6 Article 16 of the 1987 Constitution na nagbibigay ng kapangyarihan sa NAPOLCOM na na pangasiwaan at kontrolin ang Pambansang Pulisya at mapanatili ang isang maayos na pwersa ng pulisya.

Ayon pa sa resolusyon, bagamat may kapangyarihan ang hepe ng PNP na magtalaga ng mga opisyal at magpatupad ng malwakang rigodon ay iniuutos naman sa ilalim ng Section 26 Republic Act 6975 na mayroon ding kapangyarihan ang NAPOLCOm, na i-review, aprubahan at baguhin ang mga ganitong direktiba.

Binigyang diin rin sa resolusyon na ang mga panibagong pagtatalaga ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III ay hindi sumailalim at hindi dumaan sa NAPOLCOM En Banc na siyang dapat pangasiwaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Sa kabila naman ng naging resolusyon ng komisyon ay nanaindigan ang karamihan sa pulisya na suportado nila ang mga naging desisyon ni Torre at ang naging pagtatalaga nito.

Samantala, nananatili namang tikom sa ngayon ang panig ng PNP habang pansamantala munang itinigil ang malawakang balasahan sa organisasyon.