-- Advertisements --

Nanawagan si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ng mas mahigpit na aksyon laban sa fake news na kumakalat sa social media na naglalayong siraan ang ahensya.

Ayon kay Mendoza, marami sa mga pekeng balita ay pinalalabas bilang lehitimong ulat, kaya’t naloloko ang ilang netizens. Katulad na lamang ng isang video sa social media platform na nagsasabing hindi na gumagana ang Online Drivers Licensing System at sinuspinde ang ilang courier services, agaran naman itong pinabulaanan ng ahensya.

Makikipag-ugnayan ang LTO sa Philippine National Police (PNP) na kamakailan ay naglunsad ng kampanya laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita at nagsampa na ng kaso laban sa ilang vloggers.

Dagdag ni Mendoza, mahalaga ang pagtutulungan ng mga ahensya upang mapanagot ang nasa likod ng fake news at mapigilan ang panlilinlang sa publiko.