-- Advertisements --

Tinitignan na ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging isang low pressure area (LPA) ang isang cloud cluster na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, maaari itong mamuo sa hilagang-silangang bahagi ng PAR kaya naman patuloy nilang magmomonitor sa mga clou clusters na ito na maaring magdala ng pagulan sa hilagang Luzon.

Pinagiingat naman an publiko sa mga pagulan na mararanasan sa Hilaga at Gitnang Luzon bunsod pa rin ng isa pang LPA na siyang namataan naman 900 kilometro kanlurang bahagi ng Central Luzon.

Samantala, patuloy naman na makakaapekto sa pnahon ng Metro Manila, Batangas, Cavite at ilang bahagi sa Occidental Mindoro at Palawan ang hanging habagat habang malaking bahagi naman ng bansa ang magkakaroon ng maaraw na panahon ngayong araw.