Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III ang mga barangay opisyal na palakasin ang paglaban sa iligal na droga.
Sinabi nito na dapat ay paigtingin ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) ang pagbabantay laban sa iligal na droga dahil sa pag-iiba ng mga nagtutulak ng droga ng kanilang istratehiya.
Dagdag pa nito na bawat barangay ay itinuturing ng PNP bilang kanilang mga frontline post sa paglaban sa iligal na droga.
Target nila na sukulin ang pinagmumulan ng iligal na droga at bigyan ng oportunidad ang mga users na magbago.
Magugunitang base kasi record ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mula noong Hulyo 1, 2022 hanggang Hunyo 30, 2025 ay nakakumpiska na sila ng kabuuang P82.79 bilyon na halaga ng droga.