-- Advertisements --

May karapatan ang Office of the President na magkaroon ng confidential at intelligence funds lalo at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang commander-in-chief at  chief architech ng national policy at national security.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro kailangan ng pondo ng Pangulo para sa mga aktibidad at proyekto na may kinalaman sa pagbabantay sa seguridad ng bansa.

Tugon ito ni Castro matapos kuwestyunin ng ilang kritiko ang panukalang confidential at intelligence funds ng Office of the President, sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program.

Ipinunto ni Castro na hindi masama ang confidential at intelligence funds kung ito ay gagamitin sa tama.

Nagiging masama lamang ito kung ginagamit sa mali ng isang corrupt na opisyal.

Ayon sa DBM bumaba ng 11 porsiyento ang alokasyon ng CIF sa panukalang 2026 national budget.

Batay sa 2025 General Appropriations Act nasa P12.1 billion ang pondo para sa confidential and intelligence funds.

Sa kabilang dako, sinagot din ng Palasyo ang banat ni dating Finance Usec. Cielo Magno, na walang pinagkaiba si Pang. Marcos, Jr. kay Vice President Sara Duterte, kung patuloy din siyang hihirit ng confindential at intelligence funds, sa kabila ng katotohanang nakukurakot umano ang nasabing pondo.

Sa ilalim ng panukalang 2026 national budget nasa P10.77-billion ang alokasyon para confindential at intelligence funds, kung saan nasa P4.5-billion ang nakalaan sa Office of the President.

Ang National Intelligence Coordinating Agency ay mayruong P1.1 billion CIF, ang DND ay may P1.8 billion habang ang P2.2billion ay paghahati-hatiin ng Anti-Money Laundering Council, National Security Council at Philippine National Police (PNP).

Naging kontrobersiyal ang confidential at intelligence funds matapos mabatid ang maling paggasta ng Office of the Vice President at ng Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte.