Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa independent expert para sa pagiging risk factors nito sa Rome Statue.
Sa limang pahinang desisyon, natapos na ng Panel ang kaniyang mandato sa pamamagitan ng pagsumite ng report.
Ito ay maaaring magamit na rin ng defence at walang nakikita anumang dahilan ang Chamber na atasan ang Panel na maghanda muli ng dagdag na report na lagpas sa mandato nito.
Una ng hiniling ng kampo ni Duterte na dapat ay maghanda ang panel ng ulat na bumabase sa kasalukuyang medical findings ukol sa kapasidad ng dating pangulo.
Magugunitang ibinasura na rin gn ICC Pre-Trial Chamber 1 ang hiling ng dating pangulo para sa interim release kung saan ang patuloy na pagkakulong nito ay mahalaga sa ilalim na rin ng Article 58(1) ng Statue.















