-- Advertisements --

Nanindigan ang Malakanyang na pork barrel free ang 2026 national budget.

Ayon kay ES Ralph Recto na hindi puwedeng makialam ang mga mambabatas sa implementasyon ng pambansang pondo.

Siniguro ni Recto na mahigpit rin anyang susundin ang probisyon na nagbabawal sa mga pulitiko na pumapel sa bigayan ng ayuda o anupamang tulong-pinansyal.

Dagdag pa ni Recto, sa isyu patungkol sa farm-to-market roads, ang Department of Agriculture ang nagbigay ng listahan para sa popondohang mga proyekto.

Ang Presidential Assistance to Farmers na ayon kay Sen. Imee Marcos ay isa na namang uri rin ng ayuda at sumulpot lang sa bicam, nilinaw ng executive secretary na nakapaloob ito sa GAB version na layong masustentuhan ang farm gate prices ng palay para maalalayan ang presyo ng bigas.

Umapela si Recto sa mga may duda na mawawala ang patronage politics sa ilalim ng 2026 national budget.