Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng online post na nagsasabing nagkasakit, isinugod sa ospital at kalaunan ay pumanaw si Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Ayon kay NBI Director Angelito Magno, nakahanda ang bureau para tugunana ang anumang request na tulong mula sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno.
Nauna na ngang hiniling ni Ombudsman Remulla sa NBI na imbestigahan ang pinakalat na maling impormasyon. Aniya, ang mga walang basehanng ulat kaugnay sa kaniyang kalusugan ay bahagi umano ng “orchestrated campaign” ng kaniyang mga karibal sa pulitika.
May ideya na rin umano ang Ombudsman sa kung sino ang posibleng nasa likod ng mga maling impormasyon.
Ayon kay Remulla, naabot na ang limitasyon ng cyber liber kayat tinitignan nila kung saan ito hahantong.
Batay naman sa NBI Chief na ang pagpapakalat ng maling impormasyon online kaugnay sa pagpanaw ng Ombudsman ay paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, na pasok sa hurisdiksiyon ng NBI para kanilang imbestigahan.
Aniya, bagamat maraming hawak na kaso ang bureau katulad ng misinformation at iba pang libelous publications, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maresolba ang mga ito sa lalong madaling panahon.















