-- Advertisements --
Hinihikayat ng Department of Tourism (DOT) ang mga film executive sa India na kunan ang kanilang mga Bollywood movie sa Pilipinas.
Ayon sa ahensya , maraming magagandang lokasyon na maaaring gamitin sa shooting.
Binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang Pilipinas ay naging lokasyon na rin ng mga international film tulad ng “The Bourne Legacy”, “Almost Paradise”, at “Survivor Series”.
Dagdag pa niya, kamakailan lang ay itinampok din ang pagkaing Pilipino sa “Somebody Feed Phil”.
Patuloy naman ang ahensya sa pagpapaganda sa mga tourist destination ng bansa na malaking tulong sa ekonomiya.