Naghain ng mga kasong criminal ang National Bureau of Investigation laban sa ilang mga pulis dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya.
Kinasahuan ng NBI-Bayombong District Office sina PMaj. Santy Ventura, PMsg. Odra Afalla, PCpl. Jeff Apangchan, PCpl. Randy Agdeppa, Pat. John Tanguilan at Police Officer Frederick Mariano.
Sinasabing nag-ugat ang naturanf kaso mula sa nagging ‘acquittal’ ni Freddie Mallari na siyang ‘subject’ sa gawa-gawang ebidensya sa naganap na krimen.
Batay sa mga ebidensyang nakalap ng NBI, kalakip ang ‘findings’ ng Regoonal Trial Court, Branch 37, isiniwalat nito na ang mga armas na nasabat sa ikinasang search warrant operation ng mga pulis ay ‘fabricated’ lamang.
Inilarawan ng korte na ang isang rito sa mga nasabat na armas ay ‘metal scrap’ lamang kaya’t ito’y nagging basehan para ma-acquit si Mallara.
Habang kasabay naman nito ang pagkundena ng korte sa ginawa at ipinakitang ugali ng mga opisyal na siyang malinaw na paglabag sa karapatan o constitutional rights.
Kaya’t sa isinagawang hiwalay na imbestigasyon ng NBI kanilang inihain ang mga kasong paglabag sa Section 38 ng R.A. No. 10591 o Planting of Evidence kasama pati ang paglabag sa Revised Penal Code at iba pa.