-- Advertisements --

Ilang mga dati at kasalukuyang senador na tumakbo sa kani-kanilang distrito ang nahaharap ngayon sa malaking hamon.

Base kasi sa mga lumalabas na nagpapatuloy na bilangan ay lamang na ang kanilang mga katunggali.

Sa Lungsod ng Las Pinas kung saan tumakbo sa pagka-kongrersista si Senator Cynthia Villar ay lamang pa rin ng mahigit 20,000 na boto ang katunggali nitong si Mark Anthony Santos.

Habang sa Marikina City kung saan tumakbo sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Marikina si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel ay naungusan na siya ng dating alkalde na si Marcy Teodoro ng mahigit 40,000 na boto.

Sa Caloocan City naman kung saan tumakbo sa pagka-alkalde si dating Senator Antonio Trillanes IV ay nalamangan pa rin siya ng mahigit 90,000 na boto.