Humihiling ng manual recount si detained pastor at senatorial candidate Apollo Quiboloy matapos siyang pumwesto sa ika-31 sa pinakahuling tally ng Commission on Elections (COMELEC), na may 5,577,812 na boto.
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon, ang panawagang ito ay bunsod ng umano’y mga ulat ng mga iregularidad tulad ng discrepancies sa election returns, hindi magkakatugmang firmware versions, at mga kaso ng overvoting.
Binigyang-diin ni Torreon na hindi ito pagtutol sa proseso ng poll body kundi isang hakbang umano para mapatatag at matiyak ang tunay na boses ng mamamayan.
Mababatid na si Quiboloy ay lider ng Kingdom of Jesus Christ ministry na kasalukuyang nakakulong habang humaharap sa mga kasong child at sexual abuse at human trafficking sa Pilipinas at Estados Unidos.