-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 28 na kaso ng vote buying sa buong Pilipinas hanggang sa araw ng botohan kahapon, May 12.

Batay sa report ng pambansang pulisya, sa 28 insidente ng vote buying ay kabuuang 68 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang natukoy na nasangkot.

Sa mga kasong ito, 19 ang naaresto, habang 22 ang kasalukuyang pinaghahanap.

Sa kabuuang bilang, limang kaso ang hindi pa naisusumite, isa ang nakapag-post ng piyansa, walo ang for filing, walo rin ang na-dismiss, at anim pa ang patuloy na iniimbestigahan.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang pagtutok ng pulisya sa mga kaso ng vote buying ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sugpuin ang vote buying at tiyakin ang integridad ng 2025 National and Local Elections.

Marami sa mga kaso ng vote buying na naitala ng PNP ay nagmula rin sa mga regioal office nito.

Siniguro naman ni Gen Marbil na itutuloy-tuloy ng pulisya ang pag-usig sa mga sangkot dito at hindi titigil upang mapanagot, kahit na tuluyan nang natapos ang pagpili ng mga uupong kandidato.