Makakaranas ang ilang lugar sa bansa ng kalat-kalat na pag-ulan habang ang maraming lugar naman ang patuloy na makakaranas ng isolated rain showers dahil sa epekto ng easterlies ayon sa state weather bureau.
Patuloy na iiral ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga lugar sa Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, at Davao Occidental.
Ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan naman na mararanasan sa nasabing mga lugar ay ibinabala na maaaring magresulta sa mga pagbaha.
Sa Metro Manila at nalalabi pang lugar sa bansa, makakaranas naman ng isolated rain showers o thunderstorms.
Light to moderate winds at slight to moderate seas naman ang iiral sa buong kapuluan.
Kaninang alas-2 ng umaga, walang na-monitor na low pressure area na posibleng mabuo bilang bagyo.