-- Advertisements --

Binigyan linaw ngayon ng Commission on Election (COMELEC) na maari pa ring maiproklama bilang bagong alikalde ng Davao City ang nakapiit na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na hindi naman required na dapat ay maging present sa bansa kapag sila ay naiproklamang nanalo.

Kanila naman ipapaubaya sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung maari itong manungkulan sa puwesto.

Magugunitang kasalukuyang nakakulong ang dating pangulo sa International Criminal Court dahil sa kinakaharap nitong kasong crimes against humanity.