Naibenta sa halagang $280,000 o mahigit P14-M ang damit na isinuot ni Princess Diana noong isinayaw siya ng actor na si John Travolta.

Ayon sa Kerry Taylor Auctions ng London, na ang off-shoulder midnight blue dress na gawa ni Victor Edelstein ay unang inanunsiyo sa auction sa mahigit $300-K.

Nabili ito ng isang charity organization sa United Kingdom.

Isinuot ni Diana ang nasabing damit noong 1985 sa state dinner sa White House kung saan nakasayaw niya ang actor.