-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – Region 7 (Central Visayas) ang dagdag sahod sa mga minimum wage earners at mga buwanang sahod ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon.

Base sa Wage Order No. ROVII-26, na magiging P540 na mula sa dating P501 para sa mga nagtatrabaho sa Class A municipalities at cities ng rehiyon.

Sa ilalim ng Class A ay ng lungsod ng Carcar, Cebu, Danao, Lapu-Lapu, Naga, Talisay at mga munisipalidad ng Compostela, Consolacion, Cordova, Liloan, Minglanilla at San Fernando na bumubuo sa Expanded Metro Cebu.

Habang ang mga nasa Class B na lugar ay makakatanggap ng P500 na arawang sahod mula sa dating P463.

Ang mga lugar ay kinabibilangan ng lungsod ng Bais, Bayawan Bogo, Canlaon, Dumaguete, Guihulnga, Tagbiliran, Tanjay at Toledo at mga munisipalidad na hindi nakalista sa Class A.

Habang ang tinaasan na rin ang pasahod sa mga kasambahayan na magiging P7,000 sa mga chartered cities at first-class municipalities.

Ang nasabing wage adjustments sa rehiyon ay magiging epektibo sa darating na Oktubre 4, 2025.