SPUTINIK ARRIVAL
-- Advertisements --

Nakatanggap ang bansa ng karagdagang 1,014,390 doses ng Pfizer-BioNtech vaccines at 400,000 doses ng Gameleya Sputnik V vaccines.

Dumating ang nasabing mga bakuna nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang Pfizer ay donasyon mula sa COVAX facility habang ang Sputnik V ay donasyon ng gobyerno ng Russia sa bansa.

Sinabi ni Russian ambassador to the Philippines Marat Pavlov na mayroon ng kabuuang 1.7 milyon doses ng Sputnik V ang dumating sa Pilipinas at asahan pa ang pagdating nito sa mga susunod na linggo.

Ayon naman kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr na mapupunta ang nasabing mga bakuna sa Region 1, 2, 3, 4A, 5, 6, 11 at 12.

-- Advertisement --

Dagdag pa ni Galvez na mayroong sapat na suplay ng bakuna para sa mga bata dahil pawang mga bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna ang ginagamit sa mga ito.