Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na maamyendahan na ang batas ukol sa pagni-niyog.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, na layon nito ay para mapalakas ang kita ng mga lokal na coconut industry sa bansa.
Dagdag pa nito na mahalaga na mabago ang batas na nakatuon dapat ito sa trust fund’s na magagamit tuwing ito ay kakailanganin.
Para matugunan ang plano ng gobyerno na magtanim ng P1 bilyon na halaga ng niyog ay dapat ang coconut trust fund ay nakalaan para sa mga magandang programa na magpapalakas sa produktivity at kita ng mga magninyog.
Magugunitang nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kongreso na dapat ay baguhin ang probisyon sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act para matugunan ang kakailanganin ng mga magninyog.