-- Advertisements --

Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang sinasabing ‘corruption-free’ na ang 2026 national budget.

Ayon kay Bayan Secretary General Mong Palatino, na isang malaking kasinungalinan na wala ng bahid ng kurapsyon ang 2026 national budget.

Napakalayo ang sinasabi aniya ni House Appropriations Chairperson Mika Suansing na nakatuon sa masa ang nasabing budget dahil malinaw na may malaking pakinabang ang mga political dynasties at mga malalapit sa administrasyon.

Magugunitang nitong araw ng Linggo ay napirmahan na ang bicameral report ng dalawang kapulungan ng kongreso kung saan marapat na maratipika nila ang House Bill 4058 kung saan nalalaman ito ng panukalang 2026 General Appropriations Bills ngayong Disyembre 29 bago ipasa ito sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.