-- Advertisements --

Nanganganib ngayong magbabagong taon ang bawat pamilya sa residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, matapos sumiklab ang isang sunog nitong Sabado ng gabi, Disyembre 27, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Nagsimula ang sunog bandang ala-6:26 ng gabi, at agad itinaas ang ikalawang alarma pagkalipas ng 7 minuto. Pagdating ng 7:14 p.m., itinaas ang ikatlong alarma dahil sa patuloy na paglawak ng apoy.

Ayon sa BFP, agad nang ipinadala ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.

Wala pang detalye ukol sa pinsala o mga posibleng nasaktan hinggil sa sunog.

Samantala isa ring sunog ang naitala sa Barangay 130, Pasay City, nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa inilabas na situational report ng BFP-NCR nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng hapon at mabilis na itinaas ang unang alarma pagkalipas ng 14 minuto.

Idineklarang fire out ang sunog sa dakong alas-4:20 ng hapon.

Tatlong katao naman ang iniulat na nasugatan sa insidente, ngunit wala pang ibang detalye ang ibinibigay ng mga awtoridad hangang sa mga oras na ito.