Pumanaw na si Jimmy Regino, isa sa mga miyembro ng kilalang grupong April Boys, ayon sa anunsyo ng kanyang kapatid at bandmate na si Vingo Regino sa Facebook nitong Sabado, Disyembre 27, 2025.
Sa kanyang post, sinabi ni Vingo, “Sa mga fans ng April Boys, nais ko pong ipaalam na pumanaw na ang aking kapatid na si Jimmy. Hindi na natin maririnig pa ang kanyang tinig.”
Si April Boy Regino, ang nakatatandang kapatid ni Jimmy at na pumanaw noong 2020.
Kasama ni Jimmy at Vingo sa grupong April Boys ang kanilang yumaong kapatid na si April Boy Regino, na naging solo artist pagkatapos ng kanyang pagsikat kasama ang grupo.
Kilalang-kilala ang grupo sa kanilang mga awit tulad ng “Sana’y Laging Makapiling,” “Maniwala Ka Sana,” at “Dugong Pilipino.”
Hanggang ngayon, hindi pa isinasapubliko ang sanhi ng pagkamatay ni Jimmy.











