Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagbaba sa bilang ng firecracker-related injuries simula nang mag-umpisa ang holiday period.
Base sa datos ng DOH mula Disyembre 21 hanggang 26, nasa kabuuang 57 fireworks-related injuries na ang naitala sa buong bansa, 48 na porsyento itong mas mababa kumpara sa parehong period noong nakalipas na taon.
Ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso ng nasugatan dahil sa paputok na nasa 25.
Pinakamaraming naapektuhang age group ay mga batang lalaki na nasa edad sampu hanggang katorse anyos.
Ang pangunahing dahilan ng kanilang natamong injuries ay dulot ng paputok na 5-star, kwitis, Boga at Triangulo.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH para maiwasan ang disgrasiya o peligrong dulot ng mga paputok. Bilang alternatibo, manood na lamang ng fireworks sa designated areas at iwasang pulutin ang mga hindi sumabog na paputok.















