Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) prosecutors ang reklamong perjury na inihain ni Senator Jinggoy Estrada kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Engineer Brice Hernandez.
Sa 12-pahinang resolution sinabi ng DOJ Office of the City Prosecutor sa Quezon City na bigong suportahan ni Estrada ang kaniyang akusasyon.
Inakusahan kasi nito si Hernandez na mayroon itong negatibong intensyon noong sinabi niyang tumanggap ng kickbacks ang senador mula sa flood control projects.
Nakasaad pa dito na ibinase ng senador ang pahayag base sa kaniyang personal na kaalaman at ang pagkakasangkot sa operasyon ng DPWH at naniniwala itong ang pahayag at totoo noong panahon na sinabi niya ito.
Sa mga nakitang ebidensiya ng government prosecutors na hindi ito sapat para kasuhan ng perjury si Hernandez.
















