Natukoy na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Research and Standards in Quezon City nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa BFP National Capital Region na ang sunog ay dahil sa nangyaring short-circuit mula sa kisame ng Recors section na matatagpuan sa ikatlong palapag ng gusali.
Pero nilinaw nila patuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.
Una kasing sinabi ng DPWH na ang sunog ay mula sa nasunog na computer sa Materials Testing Division.
Iginiit ng DPWH na walang nadamay na mga mahahalagang dokumento na konektado sa flood control projects anomalies.
Magugunitang nagsimula ang sunog dakong 12:30 ng tanghali kung saan itinaas pa ito sa ikatlong alarma at naapula ng 1:49 ng hapon.