-- Advertisements --

Nakahanda ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na magsagawa ng forensic examination sa computers ng yumaong si dating Public Works and Highways USec. Catalina Cabral para maberipika ang tinaguriang “Cabral files” na naglalaman umano ng mga datos sa budget sa bawat rehiyon at distrito kabilang ang pangalan ng mga proponent ng flood control projects.

Makikipagtulungan aniya ang ACG sa Ombudsman kaugnay dito. Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen Randulf Tuaño, mayroon ng paunang impormasyon sa kung anong uri ng tulong ang kailangan ng Ombudsman mula sa grupo.

Sa ngayon, nakatakda pa lamang i-turn over ng Ombudsman ang mga computer sa ACG para sa isasagawang pagsusuri.

Paliwanag ng PNP official na kayang marekober ng ACG ang files kahit na nabura na ang mga ito mula sa computers at iba pang gadgets.

Sa oras aniya na maturn-over na ang computers sa ACG agad na sisimulan ang imbestigasyon.