-- Advertisements --

Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng komunikasyon sa isang pamilya.

Ayon kay Lipa Archbishop at CBCP president Gilbert Garcera , na marapat na alisin sa isang pamilya ang paggamit ng mga gadgets tuwing sila ay nasa hapag kainan.

Isinagawa nito ang panawagan kasabay ng pagdiriiwang ng kapiyestahan ng Holy Family at pagsasara ng Jubilee of Hope sa Parish of the Holy Family in Luyos sa Tanauan, Batangas.

Dagdag pa nito na nahaharap sa dalawang suliranin ang mga pamilya ngayon na ang isa ay hindi na nakakapag-usap ang bawat miyembro.

Napalitan na ang personal na pakikipag-usap ng mga makabagong messaging app, text messaging o di kaya nagiging abala sa ibang bagay.

Habang ang isang balakid ang pagtrato ng ibang tao sa kanilang mga alagang hayop bilang isang tao o bahagi ng kanilang pamilya dahil ang mga aso, pusa at ibang mga hayop ay walang mga kaluluwa katulad ng isang tao.