Naniwala si Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na kayang ipatupad ni dating police general Nicolas Torre ang kinakailngang disiplina sa Metro Manila, lalo na sa mga motorista, bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Developement Authority (MMDA).
Ayon kay Garbin, lubos niyang ikinagagalak ang pagkakatalaga kay Torre bilang bagong taga pamahala ng MMDA dahil naniniwala siya sa kakayahan ng dating chief of police na mapatupad ang disiplina sa mga kalsada ng Metro Manila, sa mga kawani ng MMDA traffic enforcers at mga iba pang mga problema sa lansangan tulad nalamang ng pagkokolekta ng mga basura.
“General Nicolas Torre, as MMDA general manager, is a welcome appointment because he can enforce discipline on the streets of Metro Manila and among the ranks of MMDA traffic enforcers and personnel responsible for flood control and garbage collection,”
Dagdag pa ng kongrisista, ang pagkakatalaga ni Torre sa MMDA ay nangangahulogan na ito ay makikipagtulongan kina Metro Manila Council chairman Mayor Francis Zamora at MMDA chairman Don Artes, isang bagay na ayon kay Garbin ay kinakailagan upang mas mapaganda ang kalidad ng serbisyo publiko na mabibigay sa buong National Capital Region.
















