Ikinalungkot ni dating presidential daughter Veronica ‘Kitty’ Duterte ang pagdiriwang ng Pasko na hindi kasama si dating Pang. Rodrigo Duterte sa unang pagkakataon.
Ayon kay Kitty, ito ang unang pagkakataon sa kaniyang 21 taon na hindi niya nakasama ang kaniyang ‘Papa Rody’.
Binalikan din ni Kitty ang kaniyang kabataan kung saan isa rin umano siyang ‘nocturnal person’ tulad ng kaniyang ama.
Kwento ng dating presidential daughter, habang nakatulog ang kaniyang ina sa kanilang kwarto, hihintayin lamang niya ang kaniyang ama sa kanilang living room na minsan ay umaabot hanggang alas-6 ng umaga, upang sabay na silang magtutungo sa kanilang room.
Kasabay nito ay binati rin ni Kitty ang kaniyang ama, at sinabing ang ‘greatest gift’ ng Diyos sa kaniya ay ang pagbibigay ng isang matatag at malakas na ama.
Una nang pinagbawalan ng International Criminal Court ang pagdalaw ng pamilya-Duterte sa dating pangulo, sa kasagsagan ng holiday, batay na rin sa naunang kumpirmasyon ni Kitty.
Sa ngayon ay nasa The Hague ang vice presidential sister upang bisitahin sana ang kaniyang nakakulong na ama, bagay na hindi naman pinapayagan ng international tribunal.















