-- Advertisements --

Tiniyak ni House Appropriations Chairman MIkaela Suansing na may mga safetynets na inilagay sa 2026 General Appropriations Act (GAA) kung paano gagastusin ng pamahalaan ang unprogrammed appropriations.

Ito’y matapos kwestyunin ng ilang mambabatas ang unprogrammed appropriations.

Umalma naman si ML Partylist Rep. Leila De lima kung saan pinagtibay ng bicam ang house version ng Unprogrammed Appropriations na nagkakahalaga ng P243 billion.

Sinabi ni De Lima dapat tinanggal ang buong unprogrammed appropriation dahil ito ang pinagkukuhanan ng pork barrel.

Dismayado din ang mambabatas dahil hindi man lang sila pinagbigyan na ipaliwanag ang kanilang no vote.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang pagtaas ng budget ng House of Representatives na nasa mahigit P10 billion.

Sinabi ni Leviste hindi siya binigyan ng pagkakataon para ihayag ang kaniyang panig kaugnay sa budget ng Kamara.