-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa pagpopost online ng mga planong puntahan sa bakasyon kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Babala ng pambansang pulisya na maaaring gamitin ito ng mga masasamang elemento.

Ayon kay PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mas mainam na huwag na lamang i-post ang mga plano o aktibidad para sa New Year hanggang sa makarating sa bahay.

Aniya, bagamat ginagawa ng pambansang pulisya ang lahat ng mga paraan para maprotektahan ang bawat Pilipino, hinihimok din niya ang publiko na makipag-tulungan sa kanila upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan.

Nakikipag-ugnayan rin aniya ang PNP sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa barangay level para protektahan ang mga komunidad para mapigilan ang mga krimen.