-- Advertisements --

Nasawi ang dalawang katao matapos ang naganap na aksindente dahil sa fireworks sa the Netherlands.

Tradisyonal na nagsasagawa ng pagpapatunog ng kampana ang nasabing bansa tuwing Bagong Taon kung saan nagsisindi ng mga fireworks ang mga mamamayan doon.

Ayon sa kapulisan doon na tuwing pagsalubong ng Bagong Taon ay maraming residente ang nagwawala na nagreresulta sa pagkasunog ng ilang kabahayan.

Kahit na nagkaroon na ng pagbabawal ng pagbenta ng paputok noong 2025 ay marami pa rin ang nakakalusot na nakabili.