-- Advertisements --
Ibinahagi ng singer na si Pink ang hindi magandang panimula ng taong 2026.
Sa kaniyang social media account ay ipinakita nito habang nasa isang pagamutan.
Sumailalim ito ng operasyon para mapalitan ang dalawang discs sa kaniyang leeg.
Biro pa nito na isang uri ng contact sport na ang ‘rock n’ roll’ ngayon.
Mag-isa lamang itong nagpalipas ng Bagong Taon sa pagamutan dahil ang pamilya nito ay nag-snowboarding.
Binati nito ang mga fans ng Happy New Year kung saan mas pinili niya na iwan ang mapaminsalang 2025 at piliin ang mag-move forward na mas malakas.
















