Nagbunga ng matinding usapan ang panibagong pasaring ni Sen. Imee Marcos laban kay Senador Ping Lacson at sa “Pink” group.
Sa kaniyang bagong inilabas na video, muling pinatamaan ni Marcos ang umano’y iregularidad sa flood control projects.
Tila game show din ang atake ng senadora sa politiko umanong nagsisimula sa “P” na nagpapalit-palit ng political alliance, depende sa agenda at para manatili sa kapangyarihan.
Nanghula pa si Marcos ng “Political Butterfly” ngunit hindi ito ang sagot.
Nasabi pa niyang “Ping” ngunit ang sagot daw pala ay “Pink.”
Una nang nagpatutsadahan ang dalawang mambabatas dahil sa puna ng senadora sa proseso ng budget at hearings.
Pero giit ni Lacson, si Marcos mismo ay may P2.5 bilyong alokasyon sa 2025 budget, batay sa “Cabral Files” kaya tila iniiba lang nito ang isyu.
Maging si Senate President Tito Sotto ay nagsabing “imbento” lamang ang mga akusasyon ni Marcos laban sa pamunuan ng Senado.
















