-- Advertisements --
CurleeIginiit ng contractor na si Curlee Discaya na tila sila pa ang “nanakawan” matapos hilingin na mag-restitute upang maging kwalipikado sa Witness Protection Program (WPP) sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, tinanong ni Sen. Rodante Marcoleta kung ano ang sinabi sa kanya kaugnay ng hinihinging restitution.
kaugnay niyan narito naman ang naging sagot ng contractor na si Curlee Discaya:
Ang restitution ang isa sa mga rekisito para sa mga contractor at opisyal na nais maging state witness sa flood control corruption cases na iniimbestigahan ng Senado at ng Ombudsman. (report by Bombo Jai)
















