-- Advertisements --

Posible sa katapusan na ng 2021 ay mabibili na ang mga gamot laban sa COVID-19.

Ito ay dahil sa pinapamadali ng pharmaceutical company na Merck ang application ng Emergency Use Authorization ng kanilang bagong gamot.

Sinabi ni Johns Hopkins School of Public Health Dr. Amesh Adaljia na kapag nabigyan na agad ng EUA ang nasabing kumpanya ay hindi malabong mabibili na ang nasabing gamot sa mga botika sa katapusan ng taon.

Bilang advisory board member din ng Merck, sinabi nito na ilang buwan na rin silang nagsagawa ng pag-aaral para sa ikakatagumpay ng nasabing gamot.

Ang isang gamot aniya ay kayang pigilan ang pagdami ng nasabing virus sa loob ng katawan ng isang tao.