-- Advertisements --

Nasangkot sa road crash ang nasa 263 katao sa kasagsagan ng Christmas rush mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 26 ng kasalukuyang taon.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), nadagdagan ito ng 62 kaso mula noong Disyembre 21. Mas mababa naman ang kaso sa naturang period ng 7% kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.

Sa kasamaang palad, may dalawang naka-motorsiklo ang nasawi.

Sa mga naitalang road crash injuries, nasa 31 ang naka-inom ng alak, 224 ang hindi gumamit ng safety accessories gaya ng helmet o seatbelt at 193 naman ang naitalang motorcycle road crash.

Ang mga datos ay mula sa 10 Sentinel Hospitals na binabantayan ng DOH.

Kaugnay nito, nag-isyu ng mga paalala ang DOH para sa ligtas na biyahe ngayong holiday season kabilang na ang pagsusuot ng helmet kapag nagmomotorsilo at seatbelt para sa mga nagmamaneho at pasahero ng sasakyan, huwag ding magmaneho kapag pagod o lasing upang maiwasan ang banggaan sa kalsada, sundin ang itinakdang speed limit at road signs at siguraduhing mayroong 7 hanggang 8 oras na tulog bago bumiyahe at iwasan ang paggamit ng cellphone.