-- Advertisements --

Pumalo na sa 140 ang bilang ng mga biktima ng paputok ngayong holiday season.

Base sa monitoring ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 21 hanggang kaninang alas-4:00 ng umaga, Disyembre 30 mula sa 62 sentinel hospitals, nadagdagan ng 8 bagong kaso ang mga nasugatan dahil sa paputok.

Ayon sa ahensiya, nasa 95 sa mga biktima ay edad 19 anyos pababa.

Pinakamarami sa mga nasugatan ay bunsod ng paputok na 5-star, boga at mga hindi matukoy na uri ng paputok.

Ang naitalang kaso ng firecrackers-related injuries ngayong taon ay 23% mas mababa kumpara sa naitalang 182 cases noong 2024.

Samantala, muling pinapayuhan naman ng DOH ang publiko na agad na dalhin sa ospital sakaling mabiktima ng paputok o agad tumawag sa National Emergency Hotline 911 para sa emergency medical assistance.